NEW YORK (AP) – Maglulunsad ang Coca-Cola ng una nitong nakalalasing na inumin sa Japan, isang sorpresang hakbang para sa US company na kilala sa cola at iba pang non-alcoholic beverages.

Kahit na sumubok ang Coca-Cola sa wine business noong 1970s, ang Japanese experiment ay “unique” sa 125-taong kasaysayan ng kumpanya, sinabi ni Coca-Cola Japan president Jorge Garduno. Isasama ang bagong inumin sa lumalagong “Chu-Hi” category of beverages ng Japan.

“This is a canned drink that includes alcohol; traditionally, it is made with a distilled beverage called shochu and sparkling water, plus some flavoring,” paliwanag ni Garduno.

May iba’t ibang flavors ang Chu-Hi drinks gaya ng grape, strawberry, kiwi at white peach at minsan ay pinapalitan ang shochu ng vodka. Karaniwang may 3 hanggang 9 percent alcohol, ibinebenta ito ng mga pangunahing Japanese beverage companies gaya ng Asahi, Kirin at Takara, at sikat sa kabataan at babaeng consumers.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture