PINAHANGA ni Mangosong sa kanyang ‘aerial stunt’ ang mga manonood sa Open division ng MFF Supercross Championship sa Taytay, Rizal.

PINAHANGA ni Mangosong sa kanyang ‘aerial stunt’ ang mga manonood sa Open division ng MFF Supercross Championship sa Taytay, Rizal.

MABUNYI ang simula ng kampanya ni Davao-pride Bornok Mangosong sa unang yugto ng Shell Advance Pro open production ng MMF Supercross Championships nitong Linggo sa Mx Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.

Nahirapan, ngunit nalusutan ng lider ng Team UA Mindanao ang determinadong hamon nina Jerick Mitra at magkapatid na JC at Enzo Rellosa upang pagharian ang unang serye ng karera na suportado ng Dunlop Tires, Potato Corner at Yamaha Motor Philippines.

“Round one was a success for Team UA. We were able to do our game plan. Good start and right pacing. 20 laps is long, so I just had to get the right pacing,” sabi ni Mangosong na pumangatlo sa qualifying bago ibuhos ang husay sa pinakamahalagang karera na pinanood ng mahigit sa 2,000 nagsisigawang miron na hindi inalintana ang alikabok at matinding init ng araw.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Get the hole shot and maintain the pacing, pero dahil mga kaibigan mo ang kasama mo sa race, it turned out to be a fun and exciting match,” ani ni Mangosong na pambato ng Yamaha.

Napanalunan ni Mangosong ang P10,000 samantalang naiuwi ni Mitra ang P7,000. May nakuhang P5,000 si JC.

Pinatunayan ni Jolet Jao na hindi hadlang ang edad upang sumiklab matapos isalba ang ikaapat na puwesto at P3,000 samantalang tinapos ni Enzo ang karera na nasa ikalimang puwesto na may P2,000.

Walang kawala kay Jao ang unang puwesto sa Veterans Open.

Sa iba pang mga kategorya, nanalo si Pia Gabriel sa Ladies Class samantalang numero uno si Wenson Reyes ng Bulacan sa Kids 65 (12 and below). Nanalo si David Viterbo ng Taytay sa Kids 85 (14 and below)

Nanalo si Shana Tamayo sa Kids 50 (9 and below) at Joshua Tamayo sa Kids (6 and below). Kinuha nina Joseph Renoso, Juolee Mendoza at Peter Loyola ang Potato Corner sa Open Local 2 Strokes, Open Local 4 strokes, at the Power Enduro class.

Nagsipagwagi rin sina Jojo Sayas sa Executive Open production, Arvin Bacas sa Open underbone, Anaki Antonio sa Amateur Open production at Joseph Penaso sa the Uniformed Personnel class.

Itinataguyod ng Generation Congregation at Shell Advance Motorcycle Oil ang unang yugto ng serye.

Pinamumunuan ni Sam Tamayo ang Generation Congregation. Bago ang mga umaatikabong mga karera ay pinamunuan ni Tamayo ang ‘’Learn to Ride’’ gamit ang mga motocross bikes mula sa Yamaha Motor Philippines.

“Learn to Ride is for everyone. Our aim is to promote the sport and to train future riders with the proper skills in motocross,” sabi ni Tamayo.