NIna Genalyn D. Kabiling, Mina Navarro at Ariel Fernandez

Mananatili ang deployment ban ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait hanggang sa masunod ang mga kondisyon para sa kanilang karagdagang proteksiyon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes.

Kabilang sa mga panukala ng Pangulo sa Kuwait ay dapat pagkalooban ng sapat na tulog at pagkain at huwag pagsamantalahan ang overseas Filipino workers (OFWs).

“The ban stays until I meet the guys and talk,” sinabi ng Pangulo sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission sa Malacañang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“One is that ‘wag ninyong kunin ‘yung passport ng Pilipina. Kinukuha nila ‘yung passport eh. Pangalawa, bigyan ninyong panahon matulog. Bigyan ninyo ng pagkain kasi ‘pag hindi, p***** i** ninyo. Pang-apat, ‘wag ninyong -- kasi ang Pilipina hindi ‘yan para -- hindutin ninyo,” idinugtong niya.

Pumayag naman ang pamahalaan ng Kuwait sa mga kondisyong ng gobyerno ng Pilipinas para maalis na ang total deployment ban ng OFWs sa Gulf state.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sumang-ayon ang mga opisyal ng Kuwaiti sa mga kondisyong nakapaloob sa memorandum of understanding (MOU) upang matiyak ang proteksiyon ng OFWs, lalo na ang household service workers (HSWs).

Kabilang sa ipinagbabawal sa MOU ang pagkumspiska sa cellular phone at pasaporte ng OFWs at pagkalakal ng mga manggagawa sa ibang employers.

Darating sa bansa ang opisyal ng Ministry of Labor ng Kuwait para isapinal ang MOU.

Sinabi ni Bello na ang lalagdaang MOU sa Kuwaiti government ang magiging batayan upang matiyak ang proteksiyon ng OFWs sa iba pang bansa.

Samantala, kahapon 76 sawimpalad na OFW ang umuwi mula sa Kuwait sakay ng Philippine Airlines flight PR669 bandang 6:00 ng umaga. Sinundan sila ng 100 sakay naman ng Emirates Airlines flight EK 332, dakong 4:00 ng hapon.

Tatanggap ang mga umuwing OFW ng P20,000 bilang puhunan sa pagnenegosyo at P5,000 transportation allowance mula sa Overseas Workers Welfare Administration.