Ni Bert De Guzman

Nagpasiya ang mga kasapi ng House Committee on Good Government and Public Accountability na imbitahan sina ex- Health Secretary Janette Garin at ex- Budget Secretary Florencio Abad sa susunod na pagdinig upang liwanagin ang tungkol sa pondo at implementasyon ng Barangay Health Stations (BHS) ng Department of Health (DoH) noong 2015, na nagkakahalaga ng P9.3 billion.

Nagsasagawa ang komite ng imbestigasyon batay sa House Resolution 360 upang alamin kung aling ahensiya ang dapat magpatupad ng BHS na ayon sa mga ulat ay hindi pa tapos ang mga konstruksiyon.

“In evaluating which is more competent to implement the BHS construction, it would be wiser to give the task to the Department of Public Works and Highways,” ani Rep. Estrellita Suansing, chairman ng komite.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'