Ni PTA

PATITINGKARIN sa unang bike show and expo “Padyakan sa Silang” ang sports tourism event sa Patio Medina, Silang, Cavite sa Marso 14.

Ayon kay Tourism officer Alexis Virata, patutunayan sa nasabing event na ang pagbibisikleta ay hindi lamang libangan, ehersisyo o sports, ngunit susuportahan nito ang hangarin ng lokal na turismo na subukan ang alternatibong paraan upang ipakilala ang magagandang tanawin sa lungsod, “this time through sports.”

Ayon pa kay Virata, ang lungsod, na ikinokonsiderang bike trail para sa enthusiasts at racers, ay magbubukas ng bagong mga bike lanes bilang alternatibong ruta mula sa mapanganib na highway kapag naglalakbay sa Cavite hanggang sa Santa Rosa, Laguna.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga ito ay hindi lamang magsisilbing alternatibong at ligtas na ruta para sa mga siklista kundi pagbibidahin din ang magagandang lugar sa lungsod.

Hihikayat din ito na magsagawa ng economic activities sa iba’t ibang nayon at residential areas gaya ng Sabutan, Iba, Munting Ilog, Tibig, Paligawan at Bucal.

Tampok sa expo part ng event ang mga bike shop at firm partners gaya ng Gran Trail Cycles, Toto’s Bikeshop, Bikerschoys at iba pang sponsors para sa product demonstration and displays.

Sa bike show, maaaring i-display ng local bike enthusiasts ang kanilang hardware, alinman sa MTB (Fullsus, Hardtail), Road Bike at Fat Bike categories.

Nakikipag-ugnayan din ang lungsod sa LBC Ronda Pilipinas na inaasahang makatatanggap ng suporta mula sa mga spectators at biking enthusiasts sa nakatakdang paglulunsad ng bike lanes at masiguro ang tagumpay ng event.

Ito ay bukas para sa lahat at ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa local tourism office para sa detalye.