Ni Ali G. Macabalang

MARAWI CITY – Hinimok ng mga local peace activist ang mga militar at pulisya, gayundin ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na magsanib-puwersa upang pulbusin ang natitirang miyembro ng teroristang grupo na nagtangkang kumubkob sa Marawi City bago pa muling magpalakas ng puwersa ang mga ito at maglunsad ng kaparehong mga pag-atake sa iba pang lugar sa bansa.

“Why wait for them to regroup and stage another attack? Why not uproot them from where they are hiding, recruiting and training…without destroying a city or town? I dare all those who have information about (the enemies)—the AFP, PNP now including the MILF—to help or reveal their hideouts and… use all necessary forces/arsenal to neutralize them,” sinabi ng kabataang aktibista na taga-Marawi, si Drieza Abato Lininding.

Kasalukuyang pinuno ng Moro Consensus Group (MCG), sinabi ni Lininding na sa halip na propaganda ay determinadong aksiyon ang kinakailangan ngayon laban sa mga teroristang grupo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

‘WAG NANG MAGHINTAY NG MARAWI 2

“Let us not wait for another siege elsewhere in Mindanao … If claims about regrouping of Maute radicals or followers of Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) are just propaganda to sow fear and perpetuate martial law for hidden agenda, just stop. Please spare us!” mensahe niya sa pulisya at militar.

Una nang nagbabala si Octavio Dinampo, propesor sa Mindanao State University (MSU) at pinuno ng Save Sulu Movement, sa posibilidad ng isa pang pagsalakay ng mga natitirang sa mauunlad na siyudad sa Mindanao, gaya ng Cagayan de Oro, Cotabato and General Santos.

Dating bihag ng Abu Sayyaf, sinabi ni Dinampo na nagsanib-puwersa ang lahat ng tagasunod ng napatay na leader ng grupo na si Isnilon Hapilon—hinirang na emir ng ISIS sa Southeast Asia—at bumuo tinatawag na Abdullah Al Islamia, na puspusan umano ngayon ang recruitment at mga pagsasanay sa mga bayan ng Jolo, Patikul, Indanan, Maimbung, Parang, at Kalilangan Caluang sa Sulu.

BAGONG EMIR

Ibinunyag ng militar nitong Linggo na may humalili na kay Hapilon bilang bagong emir ng ISIS sa Southeast Asia, si Abu Dar, isang full-blooded Maranao na kilala rin sa mga pangalang Alim Owaida at Humam Abdulnajid.

Handler ng magkapatid na teroristang Omar at Abdullah Maute, si Abu Dar ang pinakamahusay na Arabic speaker sa lahat ng miyembro ng ISIS sa Pilipinas dahil sa matagal na pag-aaral sa Gitnang Silangan. Isa rin siyang ideologue at mahusay na sniper.