Nina Mary Ann Santiago, Fer Taboy, at Danny J. Estacio

Pitong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na trahedya sa kalsada sa Rizal at Quezon, nitong Martes.

Ang unang insidente ay ang pagsalpok ng isang pampasaherong jeepney sa dalawang motorsiklo sa Barangay Pag-asa, Binangonan, Rizal, nitong Martes ng gabi.

Dead on the spot ang mag-asawang Celso at Marilen Angel, at sina Perly Bucalon at Roseby Mondragon, ng Bgy. Tagpos, Binangonan, dahil sa tinamo nilang sugat sa ulo at katawan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakakulong na ngayon sa Binangonan Police Station ang driver ng jeep na si Normal Bacordo, ng Bgy. San Roque, Angono, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Sa imbestigasyon ng Binangonan Police, dakong 10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa East Road ng Binangonan.

Binabagtas ni Bacordo ang direksiyon ng Angono nang biglang mawalan ito ng kontrol at dumiretso sa kabilang kalsada kung saan nakasalubong ang dalawang motorsiklo na sinalpok nito.

Tatlong katao naman ang nasawi nang mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang habal-habal (cart bike) sa Bgy. Villa Espina, Lopez, Quezon nitong Martes ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Junior Francisco, 48, driver; Jennifer Collantes, 11; at Kent Cuaresma, 7, ng Bgy. Villa Espina, parehong estudyante ng isang public elementary school sa Lopez.

Sugatan naman ang tatlo pang pasahero na sina Marissa Carreon, 16; Jennilyn Collantes, 8; at Ismael Carreon, 15 anyos.

Naiulat ng pulisya na patungo sana ang mga ito sa Bgy. Lalaguna nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang habal-habal at nahulog sa tulay dakong 5:15 ng hapon.