PINATALSIK ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 4-1, para mabigyan ng malayang pagkakataon ang Ateneo na makausad sa women’s Finals ng UAAP Season 80 lawn tennis tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nabalahaw nang bahagya ang ratsada ng Lady Eagles nang mabigo sa la sale, 3-2, sa unang laro.

Nanatiling malinis ang kampanya ng UST sa limang ties, habang ang Ateneo ay may 3-2 karta.

Makukuha ng Tigresses, last season’s runner-up, ang twice-to-beat advantage sa championship tie kung magwawagi sa Lady Eagles sa final day ng eliminations ganap na 8:00 ng umaga sa Linggo sa Rizal memorial.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Sakaling manalo ang Ateneo, magiging best-of-three ang finals.

Magtutuos ang Lady Maroons at Lady Netters sa ikatlong puwesto.

Sa men’s division, nanatiling malinis ang marka ng University of the East sa pitong ties nang pabagsakin angUP, 4-1.

Target ng Red Warriors ang twice-to-beat incentive sa pakikipagtuos sa Blue Eagles sa Finals preview sa Linggo.

Puntirya naman ng Ateneo (5-2) na mapigilan ang ratasada ng Warriors.

Ginapi ng De La Salle ang UST, 3-2, para makopo ang ikatlong puwesto.