MAGDADALA ng mainit na bakbakan sa malamig na panahon ng Baguio si Cardo (Coco Martin) sa pagsalakay niya kasama ang Vendetta upang tugisin sina Don Emilio (Eddie Garcia) at De Silva (Joko Diaz) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

OPTIONAL_COCO

Wala nang tatakasan pa ang mga kalaban ni Cardo dahil susuyurin niya at ng kanyang grupo ang bawat sulok ng Baguio upang pigilan ang paghahasik nila ng kaguluhan sa lungsod.

Ngunit sabay sa selebrasyon ng pista ng Panagbenga, isang malaking unos ang kanilang haharapin sa pagpapasabog ng bomba ng mga tauhan nina Don Emilio at De Silva, na ikapapahamak ng buhay ng libu-libo katao.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

Malalagay din sa panganib ang buhay ng pamilya ni Cardo na nasa Baguio rin upang ipagdiwang ang kaarawan ni Lola Flora (Susan Roces) at nakaambang madamay sa kaguluhan.

Mapigilan nga kaya ni Cardo sina Don Emilio at De Silva?

Samantala, gabi-gabi pa ring inaabangan ng buong bansa ang maiinit na pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano na nananatiling numero uno sa national TV ratings. Nitong Lunes (Marso 5), nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.8%, laban sa katapat nitong Sherlock Jr. na mayroon lamang 14.8%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ito rin ang pinakapinanood na programa sa buong bansa noong Pebrero, sa naitalang average national TV rating na 41.2%.