OTTAWA (AFP) – Kinasuhan ng Canadian telecommunications firm na BlackBerry ang Facebook nitong Martes, inakusahan ang American social media company na nilabag ang patents nito sa messaging apps.

Nag-claim ang BlackBerry ng infringement sa patents nito para sa message encryption at notifications, at humihiling ng injunction at damages para sa mga nawalang kita, ngunit walang ibinigay na figure.

Pinangalanang defendants sa asunto ang Facebook at ang mga serbisyo nitong Instagram at WhatsApp. Sinabi ng kumpanya na lalabanan nito ang kaso.

“We have a lot of respect for Facebook and the value they’ve placed on messaging capabilities, some of which were invented by BlackBerry,” ipinahayag ni BlackBerry spokeswoman Sarah McKinney.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture