Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Fioil Flying V Center)

San Juan City)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

8 a.m. Santo Tomas

vs. Univ. of the Phils. (M)

10 a.m. Adamson vs

La Salle (M)

2 p.m. Univ of the East

vs. Santo Tomas (W)

4 p.m. Far Eastern

vs Ateneo (W)

Umakyat sa solong ikalawang puwesto ang pupuntiryahin ng Far Easten University sa women’s divisions sa pagsagupa nila sa Ateneo de Manila sa tampok na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng ikalawang round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nagtataglay ng barahang 5-2, panalo-talo, sisikaping makakalas ng tropa ni coach George Pascua sa pagkakabuhol nila ngayon ng defending champion De La Salle University sa ikalawang posisyon.

Itataya rin sa nasabing laro ng Lady Tamaraws ang naitalang 4-game winning streak sa pagtatapos ng first round.

Sa kampo ng kanilang kalaban hangad naman ng Ateneo Lady Eagles na makabalik sa winner’s circle kasunod ng kabiguang natamo sa kamay ng Lady Spikers sa pagtatapos ng first round.

Sa nabanggit na laro , lumutang ang kahinaan ng Lady Eagles sa reception sa pagkawala ng kanilang rookie libero na si Dani Ravena na pumailalim sa appendectomy kaya hindi nakalaro sa nasabing laban.

Sa unang laro sa women’s divisions , mataas ang morale matapos itala sa pagtatapos ng unang round ang una nilang panalo sa pamamagitan ng isang 5-sets win kontra Adamson, pipilitin ng University of the East na dugtungan ang nasabing unang panalo sa pagsagupa nila sa University of Santo Tomas ganap na alas-2 ngayong hapon.

Sa kabilang dako, magtatangka namang bumawi ng Tigresses sa natamong straight sets na kabiguan sa kamay ng Lady Tamaraws sa huling laro nila noong first round na nagbaba sa kanila sa kabaligtarang markang 2-5.

Mauuna rito, sisimulan ng reigning men’s champion Ateneo ang kanilang second round campaign kontra La Salle ganap na alas-10 ng umaga kasunod ng unang laro ganap na 8:00 ng umaga sa pagitan ng University of Santo Tomas at University of the Philippines.