Ni Mary Ann Santiago

Hinamon kahapon ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Kongreso na sa halip na isabatas ang absolute divorce ay gumawa na lang ng mga hakbangin upang gawing mas abot-kaya ang proseso ng annulment sa bansa.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng Episcopal Committee on Public Affairs ng CBCP, sa ilalim ng Executive Order 2109, o ang Family Code of the Philippines, may tatlong opsiyon na maaaring pamilian ang mga mag-asawa na nais tuldukan ang kanilang pagsasama, kabilang ang legal separation, annulment, at declaration of nullity of marriage, kaya hindi na, aniya, kinakailangan pa ang diborsiyo.

Hinamon na lamang ni Secillano ang Kongreso at Hudikatura na gumawa ng mga hakbangin para mapabilis at gawing abot-kaya ang annulment, partikular para sa mahihirap.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Maaari anilang balaan ang mga tiwaling abogado na nagsasamantala at nagpapabayad nang malaki para sa annulment, na dahilan kung bakit sinasabing anti-poor ang proseso.

“I’m challenging Congress and the Judiciary, do something about our annulment process of today. Pababain n’yo ‘yan, tell these unscrupulous lawyers ‘wag silang magtsa-charge ng kalahating milyon. It’s anti-poor,” sinabi ni Secillano sa panayam sa telebisyon. “There are already options na meron tayo sa Family Code. Nandoon na ‘yung legal separation, nandoon na ‘yung annulment, declaration of nullity. Tatlo na ho ‘yan eh. So ngayon nagdadagdag pa sila. Hindi pa ba enough ito?”