GENEVA (AFP) – Tinapakan hanggang mamamatay ng mga elepanteng naghahanap ng pagkain ang 10 Rohingya refugees sa iba’t ibang insidente, sinabi ng UN nitong Martes, kasabay ng paghahayag sa bagong plano para itaguyod ang ‘’safe coexistence’’ ng mga hayop at dumaraming refugee settlements.

May 700,000 katao mula sa Rohingya community ng Myanmar ang tumakas patawid sa hangganan ng Bangladesh simula noong Agosto, kasunod ng army crackdown na ayon sa UN ay maituturing na ‘’ethnic cleansing’’.

Parami nang parami ang refugee camps sa border area ng Bangladesh sa Cox’s Bazar, pati na rin sa Kutupalong na ngayon ay pinakamalaking refugee camp sa mundo.

Sinabi ng United Nations refugee agency na panibagong alalahanin ang banta mula sa mga elepante. ‘’When wild elephants attempt to pass through the camp they inevitably come into contact with people, which is where the danger arises,’’ ipinahayag ng Geneva-based agency.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture