Ni Reggee Bonoan

PURING-PURI si Vin Abrenica ng nakatsikahan naming facilitator ng acting workshop dahil may lalim daw umarte kumpara sa kuya nitong si Aljur Abrenica.

Vin at Aljur copy

“Nakikinig kasi si Aljur at nagtatanong.  Maganda kapag ganu’n, ibig sabihin interesado, ibig sabihin gustong matuto,” sabi sa amin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Huling napanood si Alvin sa seryeng Wildflower ni Maja Salvador na nasubaybayan ng marami kaya alam ng viewers na hindi  nagpahuli ang aktor sa pag-arte ng mga kasamahan tulad nina Joseph Marco at RK Bagatsing.

“Sa kanilang tatlo, si Vin ang pinakabago, pero hindi siya nagpahuli, talagang nagtatanong siya kung okay na ‘yung acting niya o anong dapat niyang ayusin pa.

“Si Aljur kasi since GMA days, parang wala namang nabago, kung mayroon man, konting-konti lang.  Hindi ko kasi siya na-handle pa, so wala akong puwedeng i-share tungkol sa kanya, pero base sa mga naririnig, sobrang tahimik si Aljur pero masunurin naman kung ano ang ipagawa mo,” kuwento pa ng acting coach.

Inalam namin kung sinu-sino pa sa mga artista ang mahirap at madaling turuan pero hindi na kami sinagot.

May binanggit kaming aktor na tulad ni Aljur na hirap din sa pag-arte.

“To be honest, hindi ko pa ‘yun (ibang aktor) na-handle at parang ayaw ko yata kasi lahat ng kausap ko at realiable sources pa, mahirap siyang i-handle at hindi kagandahan ang ugali, so if better kung huwag na lang,” sagot sa amin.

Baka naman nagbago na at mas maganda kung first-hand experience kaysa sa kuwento lang ng ibang tao.

“Parang first-hand experience na rin kasi kilala ko lahat itong mga nagkuwento kaya naniniwala ako sa kanila,” katwiran ng acting coach.

Kung hindi babaguhin ng naturang aktor ang ugali niya, e, baka wala nang magturo sa kanya dahil sinusukuan na siya ng karamihan.

Going back to Aljur, mas gugustuhin pa raw ng acting coach na turuan siya kaysa sa aktor hindi na namin babanggitin ang pangalan.