WASHINGTON (Reuters) – Inakusahan ng United States nitong Linggo ang Moscow na may kinalaman sa pagkamatay ng mga sibilyan sa Syria, sinabing ang Russian aircraft ay nagpalipad ng bombing missions sa rehiyon ng Ghouta sa silangan at sinuway ang ceasefire ng United Nations.

Sinabi ng White House na lumipad ang Russian military aircraft mula sa Humaymim Airfield sa Syria at nagsagawa ng 20 pambobmba kada araw sa Damascus at silangang Ghouta mula Pebrero 24 hanggang 28.

“Russia has gone on to ignore (a U.N. ceasefire’s) terms and to kill innocent civilians under the false auspices of counter-terrorism operations,” saad sa phayag ng White House.

Sumumpa si Syrian President Bashar al-Assad nitong Lunes na ipagpapatuloy ang opensiba sa silangang Ghouta, isa sa pinakamadugo sa digmaan. Tinawag ito ng isang local insurgent group na “scorched earth” campaign.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Ang pamamaril at pambobomba ng gobyerno, suportado ng Iran at Russia, ay pumatay na ng 659 katao sa Ghouta simula Pebrero 18, habang ang pamamaril ng mga rebelde sa Damascus ay pumatay ng 27, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights.