Inilunsad na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang misyon nitong “Oplan Boracay, Save Boracay” upang maibalik ang dating ganda ng isla sa Malay, Aklan.

Bilang bahagi ng programa, inatasan na rin ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mga regional office, kabilang na ang DENR-4A upang makibahagi at tumulong sa kanilang misyon.

Kaagapay ng DENR-4A ang DENR-Cordillera Administrative Region (CAR).

Inatasan na rin ang mga ito na makipagtulungan sa mga local government unit (LGU), ibahagi ang kanilang show cause order, alamin ang mga paglabag ng mga establisimyento, tiyaking hindi masisira ang kagubatan at swamp areas sa konstruksiyon ng mga establisimyento, at ipinahahanda rin ang kanilang mga natuklasan sa lugar at rekomendasyon ng mga ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang pinulong ni Cimatu ang mga ito nitong Pebrero 26, at iniharap na ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Calabarzon ang kanilang initial report na nagrerekomendang gibain ang mga istrukturang nasasaklawan ng swamp areas, gayundin ang mga commercial establishment, stalls, signages at mga informal settler na naninirahan sa lugar, dahil sa paglabag sa environmental law.