Ni The Wrap

MAHAL ng lahat at ng kani-kanilang ina ang Black Panther. Malambot din ang puso ni Sandra Bullock para sa Black Panther bilang ina.

Sandra copy

Habang nakikipag-usap sa Access Hollywood sa Oscars red carpet nitong Linggo ng gabi, nagkuwento ang Academy Award winner tungkol sa pagiging emosyonal niya nang mapanood ang Marvel Cinematic Univers, dahil sa epekto nito sa kanyang walong taong gulang na anak na si Louis.

Tsika at Intriga

Busy raw? Chloe, naurirat kung dinalaw ba ni Carlos mga utol sa Japan

“I started to cry backstage when I was telling (the Black Panther cast not only) how much the film meant to me as a woman, but how much it meant to me as a mother,” aniya, habang nakikipag-usap sa grupo bago ang naturang panayam.

“That says a lot about where we are in this world, and in the world of superheroes,” dagdag pa ni Bullock.

Ani Sandra, malaking bagay sa naging resulta ang pagkakaroon ng mga itim na bida sa MCU film, pero hindi niya kailangang palitan ang mga laruan ng kanyang anak para maramdaman nitong kabilang siya, isang bagay na hindi niya nais gawin noon.

“I’m so grateful to Marvel because about five years ago, my son asked me if there were any brown Legos,” lahad ni Bullock. “And I said, ‘Yes, there are,’ and I got a Sharpie and I turned Spider-Man brown, I turned the Legos brown, and I don’t have to turn them brown anymore.”

Bagamat iniisip ni Bullock na napakabata pa ni Louis para manood kina Chadwick Boseman at Michael B Jordan sa susunod na taon, maaari ring handa na ito.