UMANGAT sa sa tiebreak points si Sta. Rosa City top player Trishia Ann Paez kontra sa kapwa six pointers na si Lipa City bet Jan Kino Corpuz para magreyna sa katatapos na 27th Golden Mind Kiddies Chess Tournament (Under-14) nitong Linggo sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarket, Lipa City, Batangas.

chess copy

Nasa gabay ni coach Antonio Yu Jr., ang 12-years-old, Trishia Ann , grade 7 student ng Canossa School, pinsan ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Press Relation Officer Dr. Alfredo “Fred” Paez ay tumangap ng trophy at cash prize P3,000 mula kay Golden Mind Chess Club president Allan Osena sa one-day event na suportado ni LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz.

Magkasalo naman sa ika-3 hanggang ika-4 na puwesto sina Clifford John Bernardo ng Sta. Rosa City at Rigil Kent Rose Pahamtang ng Lipa City na may nakamadang tig 5.5 puntos ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga nakapasok sa 10 ay sina 5th place Cyrus James Damiray (5.0 points), 6th place Gladimir Romero (5.0 points), 7th place Criswen Palamig (5.0 points), 8th place Vincent Ryu Dimayuga (5.0 points), 9th place Charles Zander Juan (5.0 points) at 10th place Precious Nicole Lasin (4.5 points).

Samantala ay simula na ang pagpapatala sa chess clinic at simultaneous chess exhibition ni National Master Romeo Alcodia ng Baras, Rizal sa Marso 25, 2018, Linggo sa parehong lugar.

Kabilang sa mga nauna ng nagpatala ay sina Rafah Kamilah Ramos, King Alexander Osena, Anjella Monique Guno, King David Marquez, Mark O’Neal Yazon, John Oliver Yazon, Roderick Baque, Wakeen Suarez, Jeroniel Perez, Vincent Ryu Dimayuga, Julia Alicante, Mark Angelo Subia, Precious Nicole Lasin, Ian John Magbilang, Herson Bangay, Mikka Andrea Silva, Sigfrid Ramos at Isabella Ramos.

Para sa karagdagang detalye ay maaring tumawag sa mobile numbers 0916-792-2536 at 0921-250-0251 para sa dagdag impormasyon.-