Ni Nitz Miralles

NABASA namin ang comment ng isang kaibigang aktor ni John Estrada na, “Brother we all know the truth. This reporter should do his job properly. Bastos at walang breeding ang tao na ‘yan,” patungkol kay Ador Saluta na balak daw idemanda ni John dahil sa sinulat sa insidente at isyu sa kanila ni Mylene Dizon sa taping ng The Good Son.

mYLENE copy

Hindi namin binanggit ang aktor para hindi ma-disappoint si Ador dahil love pa naman niya ang aktor at paborito niyang interbyuhin.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Hayun nga, nagalit si John sa lumabas na balita at balak idemanda ang reporter na nagsulat at sinabihang ihanda na ang abogado dahil kakasuhan niya ito.

Asahan nang marami ang makikisakay sa isyung ito.

May mga nag-comment na kailangang magsalita si Mylene at ang staff ng The Good Son para magkaalaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa usap-usapang kontrobersiya.