Robin Sane (MB photo | Rio Deluvio)
Robin Sane (MB photo | Rio Deluvio)

Ni Rafael Bandayrel

May dalawang ideyang parating napag-uusapan kapag nababanggit ang pro-wrestling. Kung ikaw ay fan ng wrestling ay siguradong sanay ka nang marinig na sabihin ng marami na hindi totoong sports ang ito.

Para sa mga totoong fans ng pro-wrestling, naniniwala sila na mahirap na sports ito at nararapat bigyan ng respeto.

BALITAnaw: Ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Ang local promotion na Manila Wrestling Federation (MWF) ay ang nagpapatakbo ng mga palabas simula noong April 2017 kasama si Robin Sane na isa sa top stars nila.

“Ang wrestling ay masasabing libangan pagdating sa storylines, drama, rivalries at iba pang kuwento na pupuwedeng mong maisip,” paliwanag ni Sane, “Pero sports ito, tunay na sports kasi kumukuha kami ng totoong sports training.

Nilalagay namin sa panganib ang mga sarili namin. Inaalagaan namin ang katawan namin, nagda-diet kami at binbantayan ang mental at pisikal na kondisyon namin.”

Para sa iba, ang pro-wrestling ay pinagsamang teatro at athletics, kaya may tinatawag na sports-entertainment na nanggaling sa WWE Chairman Vince McMahon.

“Para sa akin, natutuwa ako kung paanong nakikita ng iba ang wrestling kasi minsan nakikita nila ito na parang umaarte lang, minsan naman isang contest. Kaya para sa akin ang wrestling ay sports-entertainment,” sabi ni Sane sa Manila Bulletin Sports Online.

‘Di tulad ng pakikipaglaban para sa pera, ang pro-wrestling ay isang pre-determined sport. Ang kalalabasan ay di na mababago pero ang pagpapakita ng athleticism at ng mismong palabas ay totoo at hindi mga pandadaya. Tulad ng mga karaniwang atleta, ang mga pro-wrestlers ay nasusugatan at nasasaktan din.

“Medyo malabo paningin ko sa kanang mata ko ngayon. Nabali ko din yung kamay ko sa unang match ko. Sa unang match ko naman sa MWF, na-misaligned yung daliri ko pero binalik ko din sa dati. Pati balikat ko na-misaligned,” pagbabahagi ni Sane.

Noong nakaraang Disyembre, nakipaglaban si Sane sa dating WWE star na si Ho Ho Lun, na sandaling naging bahagi ng NXT matapos makipaglaban sa WWE Cruiseweight Classic tournament. Ang nanalo sa tournament ay ang Fil-Am na si TJ Perkins na kasalukuyang miyembro ng WWE Cruiseweight division.

“Si Ho Ho Lun, napakatotoo at kalmado sa labas ng ring pero kapag nasa loob, napakahirap kalabanin at napakahusay,” sabi ni Sane. Hindi ako makasabay kay Lun kasi isa siya sa pinakamabilis kong nakalaban pero sobrang napagod ako pagkatapos,” pag-amin ni Sane.

Ayon kay Sane, totoo ang mga pro-wrestlers at karamihan sa mga performers ng MWF ay kaya at marunong makipaglaban. “Marunong naman talaga akong makipag-wrestling, “ aniya, “Kaya sobrang ipinagmamalaki ko din ang Manila Wrestling Federation kasi halos lahat kami ay marunong ng martial arts.”