Ni

DALAWANG barangay sa Bacolod City sa Negros Occidental ang napiling benepisyaryo ng feeding program para sa mga estudyante, na inisyatibo ng non-profit organization na Reach Out and Feed Philippines.

Kabilang ang Barangay 10 at Bgy. Mandalagan sa sampung bagong lugar para sa Project Baon na tinukoy para sa taong 2018.

Sinimulan na kahapon ang programa sa Bgy. Mandalagan makaraan itong ilunsad nitong Pebrero 10. Hinandugan ang mga batang benepisyaryo ng masusustansyang pagkain sa regular na outreach program tuwing Sabado.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Layunin ng Reach Out and Feed Philippines na tulungan ang mga mag-aaral sa mga piling lugar na magkaroon at mabigyan ng tamang nutrisyon, at batay sa pinakabagong datos mula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ipinakitang laganap pa rin ang malnutrisyon sa mga mag-aaral sa maraming rehiyon sa bansa.

May malnutrition rate na 38.9 na porsiyento ang mga bata sa Western Visayas, kung saan matatagpuan ang Bacolod.

Inihayag ng nagtatag ng Reach Out and Feed Philippines na si Dawn Cabigon na naaapektuhan ng malnutrisyon ang mga komunidad sa buong bansa, lungsod man o probinsiya, at idinagdag na nang makita nila ang mapa ng malnutrisyon, batay sa FNRI data, ay ninais nilang tulungan ang mga komunidad upang mabigyan ang mga ito ng kaalaman at solusyon hinggil sa malnutrisyon, at matukoy ang kanilang mga kakaiba at pangunahing pangangailangan.

“We wanted to bring Project Baon to more barangays, sitios, and cities in the Philippines,” ani Cabigon.

Binibigyan ng Project Baon ang mga batang kulang sa nutrisyon, edad lima hanggang 12, ng mga baon sa eskuwela, tulad ng mga nakabalot na pagkain, gaya ng kanin, karne, gulat, at prutas, na inihanda sa kanila para makasapat sa kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.

Binanggit din ni Cabigon na mahalaga ang mga feeding program sa pagtatapos ng pasok sa eskuwela, dahil nakapag-aambag ito sa sigla ng mga bata sa paaralan at sa pag-aaral.

Isa ang Reach Out and Feed Philippines sa mga non-profit organizations sa ilalim ng United for Healthier Kids program, isang adbokasiyang programa na inilunsad ng Nestlé Philippines.