Ni Leonel M. Abasola
Hiniling ni Senador Win Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na makipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng kursong may kinalaman sa riles para suportaha ang Build, Build, Build (BBB) program ng gobyerno.
Layon ng programa na gumawa ng 77-kilometro ng riles na ilalaan sa Light Rail Transit Line 1 at 2 (LRT-1,2), Metro Rail Transit 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).
“One of the problems confronting our rail sector over the years is the lack of professionals with the appropriate competencies to respond to the growing demands of the industry,” punto ni Gatchalian.
Aniya, kung may mga eksperto tayong manggagawa sa rail transportation technology magiging madali na ang pagkukumpuni ng mga ito. Hindi na rin aasa ang bansa sa mga banyagang eksperto at makakagawa pa tayo ng ating mga sariling teknolohiya.