Ni Jun Fabon

Ligtas na sa tiyak na kamatayan ang isang dalawang taong gulang na lalaki makaraang lapain ng umano’y asong ulol ang kanyang ilong sa Quezon City, nitong Biyernes.

Sa ulat ng Batasan Police Station 6, Biyernes ng hapon nang bumaba ang paslit mula sa hinigaang papag para umihi sa tapat ng kanilang bahay nang biglang sinagpang ng aso ang kanyang mukha.

Nakumpirma sa imbestigasyon na nawala ang ilong ng paslit, habang maagap namang rumesponde ang mga barangay tanod na gumamit ng dos-por-dos para paluin ang aso, na ikinamatay ng hayop.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa ina ng biktima, nakalabas na sa East Avenue Medical Center ang paslit, na himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

Sasailalim naman sa regular na bakuna kontra rabies ang bata sa naturang pagamutan.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng nabanggit na aso.