Ni Mary Ann Santiago

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na bawasan o itigil pansamantala ang voter education campaign na ‘Know Elections Better’ (KEB) seminars, sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang KEB ay isang continuing voter education campaign ng poll body ngunit balak nilang bawasan o itigil muna ang pagsasagawa nito upang matutukan ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Batay sa calendar of activities ng Comelec, ang election period para sa BSKE 2018 ay nakatakda mula Abril hanggang Mayo 21, at ang araw ng halalan ay sa Mayo 14.
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji