Ni Gina Carbone

PAGKATAPOS ng 2018 Oscars, ipinakita ni Beauty and the Beast belle na si Emma Watson ang kanyang bagong tattoo sa Vanity Fair after-party. Mukhang pansamantala lamang naman ang itim na tattoo ng salitang “Times Up”.

Emma's Tattoo copy

Kung ginawa niyang hashtag #TimesUp ito ay hindi naman magkokomento ang fans. Pero dahil ito ay “Times Up” na walang apostrophe para maging Time IS Up, binatikos na siya sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ng mga kritiko na nag-aral siya sa Critics Brown University, isang Ivy League school, at nakapagtapos ng bachelor’s degree sa English literature, ngunit mali pa ang spelling niya.

Pero ang mahalagang ibig sabihin nito ay tagasuporta si Watson ng Time’s Up movement. Regular niyang ipinagtatanggol ang mga nabiktima hindi lang sa salita – gaya ng pagdo-donate niya ng tinatayang $1.4 million sa isang U.K.-based fund upang labanan ang sexual harassment, assault, at diskriminasyon. Siya ay isa ring UN Women Goodwill ambassador. Kamakailan, dumalo siya sa 2018 Golden Globes kasama si Marai Larasi, na pangulo ng Imkaan, na lumalaban din sa karahasan sa kababaihan.

“The clock’s been ticking on the abuse of power. I stand in solidarity with women across every industry to say #TIMESUP on abuse, harassment, and assault. #TIMESUP on oppression and marginalization. #TIMESUP on misrepresentation and underrepresentation. Sign the solidarity letter and donate to the @TIMESUPNOW,” post ni Emma noong Enero 2, 2018.