NAGPATULOY ang pananalasa ni Fide Master Nelson Villanueva sa Malaysia matapos tanghaling over-all champion sa katatapos na KLK Batu Gajah (Open) 2018 International Chess Championship.

Tinalo ng La Carlota City, Negros Occidental native Villanueva si Ahmad Mudzaffar Ramli ng Malaysia sa seventh at final round nitong Linggo na ginanap sa Batu Gajah, Perak, Malaysia.

Tangan ang advantageous white pieces ay nagwagi si Villanueva matapos ang 25 moves ng Catalan Opening sa twenty five (25) minutes time control format tungo sa titulo.

Tinangap niya ang RM (Malaysian Ringgit) 500 champions’ purse plus trophy dahil sa kanyang effort.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Villanueva ay undefeated sa seven games of play na may five wins at two draws.

“We (NCFP/PECA) congratulate FM (Nelson) Villanueva for giving the Philippines another championships’ trophy in Malaysian chess circuit.” sabi ni Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, Treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa gabay nina Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. at Secretary-General Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr.

Kabilang sa mga dinaig ni former Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong City standout Villanueva ay sina Khairul Akmal Azhar ng Malaysia sa first round, Azmi Syed Firdaus Asyraaf Syed Hashim ong Malaysia sa second round at Ahmad Jamal Husni Jamaluddin ng Malaysia sa third round.

Tabla naman siya kay Syamaizar Lup ng Malaysia sa fourth round kausnod ng pagpapataob kay Nor Hafiz Jamil Mohd ng Malaysia sa fifth round at paghati ng puntos naman kay Wahab Saiful Azlan Atan Abd ng Malaysia sa sixth round bago ibasura si Ramli sa final canto.

“God is so gracious for the third time,” sabi ni Villanueva, frequent visitor ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore.

Nakopo ni Villanueva ang tatlong titulo ng chess mula Pebrero 24 hanggang Marso 4.

Siya din ang naghari sa Sarawak State Legislative Assembly International Chess Competition 2018 sa Sarawak, Malaysia nitong Marso 3, 2018, Sabado. Kalakip ng tagumpay at pag-uwi ni Villanueva ng top prize RM (Malaysian Ringgit) 2,000 matapos kunin ang korona ng Sarawak State Legislative Assembly International Chess Competition 2018.

Una niyang pinagharian ang rapid event ng Mesamall Chinese New Year Open chess tournament nitong Pebrero 24, 2018 na ginanap sa Nilai, Negeri Sembilan, Malaysia tungo sa top prize RM (Malaysian Ringgit) 500.-