Ni Annie Abad

OROQUIETA CITY -- Kabuuang 4000 atleta, coaches, technical officials at mga delegasyon buhat sa 70 Local government units (LGUs) ng Mindanao ang nakatakdang lumahok sa opening ceremonies ng 2017 Batang Pinoy Mindanao qualifying leg ganap na alas-2 ng hapon sa Misamis Occidental Provincial Athletics complex (MOPAC) dito.

Bubuksan ang nasabing seremonya sa pamamagitan ng isang makulay na programa na katatampukan ng parada ng mga atleta at delegasyon, gayundin ang panimulang mensahe buhat mismo kay Philippine Sports Commissiomn (PSC) chairman William Ramirez na ihahatid ni PSC commissioner Celia Kiram na siya ring oversight commissioner para sa nasabing torneo.

Inaasahan din ang pagdating ng tatlo pang PSC Commissioners na sina Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Charles Maxey upang tunghayan ang panimula ng isa pang proyekto ng ahensya na naglalayong makakuha ng mga panibagong batang atleta na tiyak na magbibigay ng karangalan sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa mga nabanggit na opisyales ng PSC, magbibibgay din ng kanyang maikling mensahe ang mismong Governor ng Misamis Occidental na si Hermina Ramiro kasama si Mayor Jason Almonte na siyang nagpursigi na maging punung abala para sa naturang kompetisyon.

Aabot sa 20 sports disciplines ang siyang nakatakdang paglabanan ng mga kabtaang 16-anyos pababa kung saan kabilang dito ang arnis, archery, athletics, badminton, baseball, basketball (lalaki at babae) boxing, chess, dancesports, karatedo, lan tennis, pencak silat, sepak taraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball at beach volleyball.

Ang mga manlalarong magwawagi sa nasabing Mindanao leg ng Batang Pinoy ay lalrga sa National finals at makikipagbuno sa mga umangat na mga atleta noong Luzon at Visayas qualifying legs.