Ni Liezle Basa Iñigo

LASAM, Cagayan - Nabulabog ang mga residente nang matuklasang bangkay ng lalaki ang laman ng isang sakong nadiskubre nila sa Zone 7, Barangay Minanga Norte sa Lasam, Cagayan.

Ayon sa Lasam Police, ang bangkay na nakasilid sa sako at nakagapos ng alambre ay tinatayang nasa 5’5” ang taas, balingkinitan, nakasuot ng blue short pants na may orange at white lining.

Dakong 11:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa riverbank ng nabanggit na lugar, na namatay sa tama ng bala sa dibdib, ayon sa sumuring doktor.

Sinasabing nasa anim hanggang walong linggo nang patay ang biktima, at naaagnas na ito.

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.