OUAGADOUGOU (AFP) – Inako ng jihadist group, na may kaugnayan sa al-Qaeda, ang responsibilidad sa “cowardly” terrorist attack sa French embassy sa capital ng Burkina Faso, ang Ouagadoudou, na military HQ ng bansa, nitong Sabado.

Walong armed forces personnel ang ibinulagta sa bakbakan sa West African nation noong Biyernes, ayon sa pamahalaan, habang sinabi ng French security source na 12 iba pa ang lubhang sugatan.

Walong terorista rin ang napatay at 80 katao, kabilang ang mga sibilyan, ang sugatan, ayon sa mga opisyal.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM