Ni Fer Taboy

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P2.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa isang hotel sa Quiapo, Manila.

Kinilala ng PDEA agent na si Gelly Robins Cataluña ang naaresto sa alyas na “Rusty”, 37, tubong Lanao Del Sur.

Sinabi ni Cataluña na pansamantalang itinago ang pangalan ng salarin dahil patuloy ang ikinakasang follow-up operation ng PDEA laban dito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagsagawa ng isang-buwang surveillance ang awtoridad sa mga ilegal na aktibidad ng suspek bago tuluyang nadakip at narekober umano sa kanyang pag-iingat ang 500 gramo ng hinihinalangv shabu, na nagkakahalaga ng P2.5 milyon, P1.4 milyon buy-bust money, at cell phone.

Kabilang umano sa modus operandi ng suspek ang isara ang mga ilegal niyang transaksiyon sa kanyang mga parukyano sa loob ng mga hotel at mall.

Sinasabing ang grupo ni alyas Rusty ang nagbabagsak ng droga sa Metro Manila, Region 6 at Lanao Del Sur, habang natukoy naman ang supplier nito na isang alyas “Bryan.”