Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Pasig Sports Center)

11 n.u. -- AMA vs Akari-Adamson

1:00 n.h. -- CEU vs JRU

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

MAKAPAGSIMULA ng bagong winning streak ang tatangkain ng Centro Escolar University sa pagsabak nila ngayong hapon kontra Jose Rizal University sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig Sports Center.

Nakabalik sa winning track ang Scorpions matapos igupo ang Akari-Adamson kasunod ng pagkaputol ng kanilang 4-game winning run ng Go for Gold-St. Benilde.

Ganap na 1:00 ngayong hapon ang salpukan ng Scorpions at Heavy Bombers matapos ang unang laro ganap na 11:00 ng umaga sa pagitan ng AMA Online Education at ng Akari-Adamson.

Magsisikap naman ang Heavy Bombers na bumangon mula sa kinahulugang 5-game losing skid para patuloy na buhayin ang tsansang umusad sa susunod na round.

Mauuna rito, magtatangka namang makabalik ang Akari-Adamson sa win column matapos ang di inaasahang kabiguan sa kamay ng Scorpions.

Sa kampo ng Titans, tatangkain din nitong masungkit ang ikalawang tagumpay upang patuloy na buhayin ang pag-asa nilang makaabot ng playoff round.