Ni The Wrap

NAGSUOT ang mga dumalo sa 2018 Academy Awards kahapon, sa ibabaw ng kanilang designer dresses at dapper tuxes, ng orange na American flag pin upang palaganapin ang kamalayan at mahalagang atensiyon kontra sa gun violence.

Ayon sa People, ilang bituin ang lumakad sa red carpet suot ang litaw na anti-gun violence pin mula sa Everytown para Gun Safety, na simbolo ng kanilang pagkakaisa, kasunod ng pamamaril sa eskuwelahan sa Parkland, Florida nitong nakaraang buwan.

Instrumento ng Tinseltown ang fashion bilang isang uri ng protesta habang ginaganap ang gabi ng parangal, kasunod ito ng pagkakaisa ng mga bituin sa pagsusuot ng itim na damit sa Golden Globes at BAFTAs, pagdadala ng puting rosas sa Grammys at BRIT Awards, at siyempre, ang kanilang pagsusuot ng Time’s Up gear.
Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony