Ni MIKE U. CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City - Inaresto ng pulisya at militar ang isang mag-asawang kaanib ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa umano’y pangangalap ng mga menor de edad para sa kilusan sa Agusan del Norte, nitong Sabado ng umaga.

Ang dalawa ay kinilala ni 1st Lt. Tere Ingente, public affairs’ officer ng Northeastern and Northern Mindanao 4th Infantry (Diamond) Division (4th ID) ng Philippine Army (PA), na sina Allan Apolinaria, 49; at Luzviminda Apolinaria, 45, parehong kasapi umano ng Sangay Partido sa Platoon 16-A (SPP 16A) ng Guerilla Front Committee 16 (GF16) ng CPP-NPA Northern Mindanao Regional Committee (NMRC).

Sinabi ni Lt. Ingente na dinakip ang dalawa sa Purok 7, Barangay Mahayahay, Kitcharao, Agusan del Norte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng 10th Judicial Region Branch 34, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Walang piyansang inirekomenda ang korte.

“The couple are the alleged recruiters of former rebels, Glenie Omahas also known as (AKA) ‘Dave’, Garry Alimboyong, AKA ‘John’, and Rudy Alimboyong, AKA ‘Bunso’ who surrendered last December 2016,” paliwanag ni Lt. Ingente.

Natuklasan din sa imbestigasyon na nangangalap umano ang mag-asawa ng mga bata upang sumapi sa kilusan simula pa noong 2014.

“The former rebels were recruited at a minor age. In fact, Omahas was only 16 years old and Garry Alimboyong was 15 years old when he became a member of Militia ng Bayan (MB) sometime in 2014 and was 17 years old when he joined the NPA as regular member. This showed that NPAs are not only terrorists but also child exploiters,” pagdidiin pa ni Lt. Col. Glen Aynera, commanding officer ng 29th Infantry Battalion.