Ni Mary Ann Santiago

Inatasan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) na gumawa ng imbentaryo sa lahat ng nailigtas na palaboy, mga nawawala at abandonadong tao na nasa kalinga ng mga opisyal ng barangay at pulisya ng lungsod.

Ayon kay Estrada, kailangan na magkaron ng bagong talaan ng mga palaboy sa lansangan upang malaman kung ano pa ang mga tulong na maaaring maibigay sa kanila.

“May natatanggap akong report na ang mga missing person na nasa pangangalaga ng mga barangay officials are not well taken care of. Hindi sila naire-report at napapabayaan kaya naglalayas uli,” sabi ni Estrada.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Dahil dito, hinikayat ni Estrada ang mga opisyal ng barangay at ang pulisya na i-report sa MDSW and lahat ng homeless at missing persons na nasa pangangalaga nila.