Ni Reggee Bonoan

PAGKATAPOS ng taping ng Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez nitong Sabado ng alas dos ng madaling araw, dumiretso siya ng airport patungong Nasipit, Agusan del Norte kasama ang bunsong anak na si Xavi para sopresahin ang kanyang Mommy Roselyn Campo sa kaarawan nito.

Rei Ramos Anicoche Tan at Ibyang copy

Hindi akalain ni Mommy Roselyn na darating ang anak na alam niyang abala sa taping ng serye kasama ang apong si Arjo Atayde.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Si Arjo ang umuwi sa Nasipit noong nakaraang taon at dahil hindi naman umubra ang mommy niya, ngayon ay baligtad dahil ang aktor naman ang may trabaho.

“Hindi puwedeng hindi ko makita ang nanay ko sa espesyal na araw niya dahil kung hindi dahil sa kanya, eh, wala ako,” say ni Sylvia.

Alam ng lahat na makapamilya si Sylvia at lagi niya itong ipino-post sa social media.

Sa Nasipit naglalagi ang ina ng aktres at bihirang lumuwas ng Maynila kaya hindi sila laging nagkikita at madalas ay kumustahan at tawagan na lang. Panalangin ni Ibyang na sana’y laging malakas, walang sakit at iligtas sa anumang kapahamakan dahil nga lagi silang magkalayo.

Pero mapapadalas na ang pag-uwi ni Ibyang ng Agusan del Norte dahil nagtatayo siya ng Beautederm Clinic na under construction na ngayon sa Butuan City.

“Ang dami kasing naghahanap ng Beautederm products doon, may distributor naman si Rei (Anicoche-Tan) doon ‘kaso naghahanap sila ng clinic din.  Siguro naging word of mouth na rin ang Beautederm doon kasi may mga naka-experience na.

“Kaya naisip namin ng partners ko na magtayo kami ng clinic at the same time maging sole distributor na rin kami ng Beautederm sa Butuan,” kuwento ni Ibyang.

Nagbiro kami na para siyang si Krystala na kapag nasisinagan ng ilaw sa taping ay kumikislap-kislap lalo na noong nakakulong pa siya.

“Eh, kailangang alagaan ko ang kutis ko kasi ang lalakas ng mga ilaw sa set, kapag hindi mo inalagaan, matutuyot ka, papangit at kukulubot ang kutis mo kaya kapag may oras ako, tumatakbo talaga ako sa Pampanga (Beautederm Clinic) para magpa-facial at aqua facial with pdt mask kasi kailangan naming mga artista iyon para maging fresh lagi sa harap ng camera,” katwiran ng aktres.

Ang kapwa endorser ni Sylvia na si Mat Evans ay distributor na rin ng Beautederm at nagtayo na rin ng sariling store sa may Fariñas Bus Station along Forbes Street, Sampaloc Manila.

Si Carlo Aquino ay nagpapatulong na rin kay Ms. Rei para maging distributor at naghahanap kung saan naman ito magtatayo ng sariling shop.