NAGWAGI ang awiting Remember Me mula sa animated movie na Coco sa Academy Award para sa Best Original Song. Ang lumikha ng awitin ay ang Filipino-American na si Robert Lopez at misis niyang si Kristen Anderson-Lopez.

90th Academy Awards - Oscars Backstage - Hollywood, California, U.S., 04/03/2018 - Kristen Anderson-Lopez and Robert Lopez with the Best Original Song Award for

90th Academy Awards - Oscars Backstage - Hollywood, California, U.S., 04/03/2018 - Kristen Anderson-Lopez and Robert Lopez with the Best Original Song Award for "Remember Me" for the film "Coco". REUTERS/Mike Blake

Matatandaang apat na taon na ang nakalipas nang mapanalunan ng mag-asawa ang una nilang Best Original Song Oscar para sa Let It Go ng isa pang patok na animated movie, ang Frozen.

Ilang beses tinugtog sa acclaimed Pixar film na Coco ang Remember Me, na tungkol sa musical journey ng isang batang lalaki sa mundo ng mga patay—na may kanya-kanyang rendition sina Benjamin Bratt, Gael García Bernal, Anthony Gonzalez, at Ana Ofelia Murguía, iniulat ng Indie Wire.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Ang mga nominado sa kategorya ay ang Mighty River mula sa Mudbound; Mystery of Love mula sa Call Me by Your Name; Stand Up for Something ng Marshall; at This Is Me ng The Greatest Showman.

Ang iba pang nagwagi sa kategorya ng musika ay ang The Shape of Water bilang Best Original Score, tinalo ang mga pelikulang Dunkirk, Phantom Thread, Star Wars: The Last Jedi at Three Billboards Outside Ebbing, Missouri.

Nagwagi rin ang Coco bilang Best Animated Feature. Ang iba pang nagwagi ay sina Sam Rockwell, bilang Best Supporting Actor para sa Three Billboards Outside Ebbing, Missouri; A Fantastic Woman, bilang Best Foreign-Language Film; at si Allison Janney na nagwaging Best Supporting Actress para sa I, Tonya.