Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Niyanig ng lindol ang Dinagat Islands province kahapon.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 5:34 ng madaling-araw nang maitala ang sentro ng 3.2-magnitude na lindol sa layong 15 kilometro sa hilagang silangan ng San Jose.

Lumikha rin ang pagyanig ng lalim na 31 kilometro.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Paliwanag ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na hindi na nakapagtala ng aftershocks o tsunami alert.