TATANGKAIN ni Filipino boxer Michael “Gloves on Fire” Dasmarinas na makopo ang IBP world title sa pakikipagtuos kay French boxer Karim Guerfi sa Ringstar’s ‘Roar of Singapore IV - Night of Champions’ sa Abril 20 sa Singapore Indoor Stadium.

Nagtungo sa Japan si Dasmarinas para sa isang buwang pagsasanay. Sa kasalukuyan si Dasmarinas ay ranked No.12 sa WBC, habang No.4 ang laribal na French.

“Ito na po ang pagkakataon ko na makuha ko yun pinaghirapan ko, at ginagawa ko lahat ng makakaya ko sa training para makuha natin ang panalo na ito, para sa bansa ito,” pahayag ni Dasmarinas.

Maging sina world champion Manny Pacquiao at Gerry Penalosa ay hanga sa katatagan at determinasyon ni Dasmarinas.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Sa panayam ng Fox Sports Asia, sinabi ni Pacquiao na “Right now we have top caliber boxers here in Asia, specially in the Philippines.”

“He is ready to compete outside the country and if he is ready to work hard, maybe he will win,” aniya.

“Ringstar is giving Filipino boxers such as Michael Dasmarinas and Jeson Umbal a big break. Without Ringstar, I don’t think that they can have an opportunity like this. They have to grab it, the opportunity to have this break,” pahayag naman ni Penalosa.

Bunsod nito, higit na tumaas ang morale ni Dasmarinas.

“Nakaka inspire at nakakagalak na nababanggit ka ng mga idolo mong boxer kamukha nila Manny Pacquiao at Gerry Penalosa. Nakakalakas ng loob, excited na ako lumaban, at sana po pagpatuloy nyo akong pagdasal, para makuha natin ang tagumpay. Gagawin natin lahat ng makakaya natin para manalo, para sa bansa ito,” aniya.

Magsasagawa si Dasmarinas ng open workout sa Marso 7 ganap na 1 ng hapon sa Kerry Sports, Shangri-La at the Fort. Makakasama niya si Malaysian boxer Mirage Khan.

Ang Ringstar Boxing ang itinututring ‘fastest growing sports media property’ sa Asya.

Mabibili na tickets sa www.sportshub.com.sg/RoarofSG4.

Kabilang sa sponsors at partners ng ‘Night of Champions’ ang Roomaif International at Alexandre Christie.