TINALO ni Patrick Bonifacio si Marcelo Anasco Jr. sa duel ng fancied bets sa sixth at final round tungo sa pagkampeon sa unrated-1899 rating category at paghahari rin ni Jhulo Goloran sa mixed division ng 1900 - 1999 rating at 2000-2100 rating sa tinampukang 56th birthday chess tournament ni Grandmater Rogelio “Joey” Antonio Jr. na ginanap nitong Sabado sa Alphaland Makati Place (2nd Floor) sa 7232 Ayala Avenue Corner Malugay Street (near Makati Fire Station) sa Makati City.
Ang Taguig City resident na si Bonifacio na nahasa ang kanyang chess skills sa Tarrasch Knight Chess Club sa Guadalupe Mall sa Makati City ay nakakolekta ng 5.5 puntos sa anim na laro, iskor na naitala ni Ralph Anthony Velasco ng Valenzuela City na dinaig niya sa tie break points.
Nakamit naman ni Jonathan “Jojo” Soriano ng Antipolo City ang ika-3 puwesto na may 5.0 puntos habang nagpakitang gilas naman si Col. Jaime “Kuya Jim” Osit Santos ng Philippine National Police na nakamit ang top executive player award na may 4.0 puntos.
Sa 2000-2100 rating division ay nanalo naman si Goloran ng Meycauayan, Bulacan kontra kay Narciso Gumila Jr. ng Pasig City sa final canto tungo sa 4.5 puntos matapos ang limang laro.
Nagbigay naman ng inspirational message si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Surigao del Sur. Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. sa mga participants at guest sa event na nagsilbing punong abala si Ms. Car S. Santos sa pakikipagtulungan nina National Arbiter Ferdinand Reyes Sr. ng United Chess Tournament at National Arbiter Alfredo Chay ng Chess Arbiter Union of the Philippines.