Ni Leonel M. Abasola

Hiniling ni Senador Francis Pangilinan sa National Food Authority (NFA) na ilahad sa publiko ang tunay na estado ng supply ng bigas sa bansa, partikular ang NFA rice na nabibili sa murang halaga.

Aniya, hindi nasagot ng NFA sa nakaraang pagdinig ang karagdagang distribusyon ng NFA rice noong Enero, at wala rin ang 15-araw na buffer rice na required sa NFA.

Nabatid sa pagdinig noong nakaraang linggo na ibinebenta umano ng NFA ang bigas, na sinasabing nire-repack ng mga trader at ibinebenta sa presyo ng commercial rice, mula P42-P45 kada kilo, mas mataas ng 55% hanggang 66% porsiyento sa P27-P32 bentahan ng NFA rice.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ang ibig sabihin niyan para sa karaniwang pamilyang Pilipino, imbes na makabili ng isa’t kalahating kilo, isang kilo lang ang mabibili. So, kung ang isang pamilyang may limang katao ay nakakaubos ng isa’t kalahating kilo isang araw, kung hindi man tipid-tipid muna sa kanin o magpaparaya na naman si nanay,” ani Pangilinan.