Ni Dhel Nazario

Sa rehas ang bagsak ng dalawang lalaki matapos umanong maaktuhang bumabatak ng ilegal na droga sa isang nakaparadang bus sa terminal sa Parañaque City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina John Christopher Borbon, 31, ng Cebu City; at Samuel Dugenio, 31, bus conductor, ng Sta. Maria, Bulacan.

Samantala, pinaghahanap ng awtoridad ang driver ng bus, si Wilmer Samatra, na sinasabing kasama rin sa umano’y pot session.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, nirespondehan ng mga pulis ang natanggap nilang text message kaugnay ng nagaganap na pot session sa loob ng isang nakaparadang bus sa terminal ng Coastal Mall sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Sinalakay ng awtoridad ang naturang bus at naabutan sina Borbon at Dugenio na umano’y bumabatak ng shabu, gayundin si Samatra ngunit nakatakas ito.

Narekober kina Borbon at Dugenio ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 11, 12, at 13 ng Article II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.