AKSIYONG umaatikabo ang masasaksihan sa pagpalo ng Philippine Volleyball Federation-Tanduay Athletics Inter-School Under 18 Beach Volleyball Championships ngayon sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

bong tan copy

Liyamado ang National University sa boys division, ngunit asahan ang matikas na pakikihamok ng Recto Memorial High School at Calayan Educational Foundation mula sa Quezon Province. Sasabak din ang Colegio San Agustin at koponan mula sa Batangas, Cavite, Mandaluyong at Bataan.

Sa girls division, angat ang Rizal Technological University laban sa Bataan National High School at mga karibal mula sa Quezon, Laguna, Cavite at Parañaque. Bukas ang torneo sa lahat ng kabataang estudyante na ipinanganak bago ang Marso 5, 2000.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Itinataguyod ang event ng Tanduay Athletics at ni sportsman Lucio “Bong” Tan, Jr. Walang bayad ang paglahok at libre ang pagkain at maiinom. Bukas din ang Cantada Sports bilang pansamntalang tahanan ng mga kalahok na nagmula sa mga lalawigan.