Ni EDWIN ROLLON

MAY bagong suhay na aalalay para tuluyang makatindig ang atletang Pinoy sa mundo ng sports.

Sa pangunguna ni Presidential Adviser on Sports Dennis Uy, inilunsad kahapon ang Siklab Atleta – isang programa na naglalayong suportahan ang pagsasanay ng mga piling atleta o yaong mga may potensyal na makaabot sa Olympics sa 2020 Tokyo – sa isang sermonya na sinaksihan nang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa Century Park Sheraton.

Nakiisa rin si 2019 Southeast Asian Games Organizing Committee Chairman at DFA Secretary Allan Peter Cayetano.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation will fuel the Philippines best athletes to make the country ‘s dream of bagging an Olympic gold a reality,” pahayag ni Uy, president at CEO ng Pheonix Petroleum.

“We need to provide out athletes the support befitting their stature as our country’s representative to the world,’ aniya.

Target ng Siklab na makalikom ng 1 bilyon para masustinahan ang pagsasanay sa abroad at partisipasyon ng 31 atleta mula sa 14 na sports.

“Kaya natin ito. Dahil tulong-tulong tayo,” pahayag ni Uy.

Kabilang sa 31 atleta na napili mula sa rekomendasyon ng mga national sports association at dumaan sa evaluation ng PSC ay sina Nicole Tagle (archery), Shawn Cray, Trenton Beram at EJ Obiena (athletics), James Dieparine at Nicole Oliva (aquatics), Eumir Marcial at John tupas (boxing);

Marella Salamat, Ariana Dormitoryo, Sienna Fines (cycling), hermie Macaranas, OJ Fuentes (canoe-kayak), Carlo Yulo, Kaitlin De Guzman (gymnastics), Kiyomi waranabem Mariya Takahashi, Shugen Nakano, Kesie Nakano (judo0, James delos Reyes (karate), Philmar Alipayo, Edito Alcala (surfing), Elaine Alora, Pauline Lopez (taekwondo), Kim Mangrobang (triathlon), Hidilyn Diaz, Kristel Macrohan (weighlifting), geylord Coveta at Yancy Kabigan (windsurfing).