Ni Beth Camia

Aalamin muna ng pamahalaan kung totoong walang kaakibat na kondisyon ang financial aid na alok ng European Union (EU), na aabot sa €3.8 million, o katumbas ng P241.6 milyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na aalamin niya muna kay National Economic Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia kung alin sa mga aid package ang sinabi nitong tatanggapin ng Pilipinas upang pondohan ang mga drug rehabilitation center sa bansa.

Una nang inihayag ni Stefano Maservisi, European Commission Director General for International Cooperation and Development, na idadaan nila sa Department of Health (DoH) ang nasabing pondo sa kabila ng tumanggi na ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang tulong pinansiyal mula sa EU kung may kaakibat itong kondisyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Gayunman, nilinaw ni Maservisi na walang kapalit ang nasabing aid package, na naaayon sa framework ng Partnership Cooperation Agreement (PCA) na nagsusulong ng human rights at anti-corruption.

“I will have to check, baka naman kasi maraming mga aid packages ‘yan, baka naman iyong tinanggihan na ni Presidente is one form of aid package, at iyon, baka sinasabi ni Secretary Pernia, eh baka different aid package naman. So, I will find out,” ani Roque.