Ni PNA

DINAGDAGAN ng Zamboanga City ng P6 na milyon ang pondo nito para sa implementasyon ng Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong taon.

Sinabi ni Ma. Socoro Rojas, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) chief, nitong Huwebes na ang alokasyon sa taong ito ay tumaas sa P15 milyon, na mas mataas ng P6 na milyon kaysa nitong nakaraang taon.

Ayon kay Rojas, magkakaloob ng trabaho ang pamahalaang lungsod sa 2,766 na estudyante sa dalawang batch na binubuo ng 1,400 high school (unang batch) at 1,366 (ikalawang batch) ng mga estudyante sa kolehiyo.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Aniya, ang mga estudyanteng makakapasa na makapagtrabaho sa SPES ay kailangang mag-apply on-line sa www.dole9.org/spes.

Magsisimula ang aplikasyon, para sa unang batch, mula sa Pebrero 20 hanggang Marso 10; at sa Marso 15-Abril 10 para naman sa ikalawang batch.

Ang mga estudyante ay magtatrabaho sa loob ng 20 araw at tatanggap ng suweldong P9,554.60 o P 477.73 kada araw.

Inako ng pamahalaang lungsod, bilang employer, ang 60 porsiyento sa suweldo ng mga estudyante habang sagot naman ng Department of Labor and Employment (DoLe) ang natitirang 40 porisyento.

Ang SPES ay isang employment bridging program tuwing Summer o Christmas vacation, na layuning madagdagan ang kita ng pamilya ng mga estudyanteng mahirap ngunit karapat-dapat, out-of-school-youth (OSY).