Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u. -- UP vs NU (M)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- UE vs Adamson (M)

2:00 n.h. -- UP vs NU (W)

4:00 n.h. -- UE vs Adamson (W)

NAKABANGON mula sa natamong unang kabiguan sa kamay ng National University sa nakaraan nilang laban ang Far Eastern University upang maisara ang first round sa pamamagitan ng 27-25, 22-25, 25-23, 36-34 panalo sa University of Santos Tomas kahapon sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa MOA Arena.

beach copy

Sa ikalawang laban, ipinoste naman ng reigning champion Ateneo de Manila ang ika-anim na sunod na panalo sa pamamagitan ng straight sets na paggapi sa De La Salle, 25-16, 28-26, 25-22 upang sumalo sa Tamaraws sa pamumuno.

Limang set points ang dinaaanan ng Tamaraws sa fourth set bago tuluyang naigupo ang Tigers at makabalik sa winning track kasunod ng natamong kabiguan sa kamay ng Bulldogs.

Nagtala ng 19-puntos si Jude Garcia na kinapapalooban ng 13 hits at limang blocks upang pangunahan ang panalo ng FEU habang nag-step-up din sa kanyang laro si Redjohn Paler na nag-ambag ng 16-puntos.

Nauwi sa wala ang game high 21 at 20 puntos nina Arnold Bautista at Joshua Umandal dahil bigo silang ipanalo ang Tigers na nalaglag sa 3-4 karta.

Uminit naman sa dulo ng second set na natuluy-tuloy hanggang third set si reigning MVP Marck Espejo upang giyahan ang Blue Eagles sa pagwalis sa Green Spikers.

Nagposte si Espejo ng 18 attack points bukod pa sa 3 service aces upang pangunahan ang panalo ng Ateneo.