Ni LITO T. MAÑAGO

BUKOD kina Red Concepcion (The Engineer), Gerald Santos (Thuy), Joreen Bautista (Alternate Kim) at iba pang Pinoy artists na bahagi ng Miss Siagon UK & Ireland tour, magiging parte na rin ng lumalaking pamilya ng award-winning musical ang Pinoy Pop Superstar runner-up at GMA Artist Center (GMAAC) talent na si Aicelle Santos para gumanap bilang Gigi Van Tranh at sina Joaquin Pedro Valdes at Iroy Abesamis.

AICELLE AT JOAQUIN copy

Naka-post sa Instagram account ng GMA Corpcomm (Kapusogirl) ang photo ni Aicelle na may caption na, “LOOK: Fresh from the success of Himala: Isang Musical, Kapuso singer and actress Aicelle Santos will play Gigi Van Tranh in Miss Saigon UK tour. Congratulations, @aicellesantos! We’re proud of you!”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kumpirmado na ang pag-alis nina Aicelle, Iroy at Joaquin. Na-publish na sa journal ng Broadway.com ang bagong cast members na magiging bahagi ng award-musical ng British theatrical producer na si Cameron Mackintosh.

Matagal na naming alam ang tungkol sa partisipasyon ni Aicelle at dalawa pang Pinoy artists pero hindi namin maisulat dahil sa technicalities.

Nagpaalam din kami kay Noel Ferrer, manager ni Joaquin kung puwed nang isulat pero nakiusap itong huwag na lang muna for the same reason.

Finally, Friday ng gabi, March 2 ay inilabas na nga ang mga pangalan ng bubuo ng company ng Miss Saigon UK tour.

Aicelle will play Gigi, Thuy cover at ensemble naman si Joaquin at si Iroy (wala kaming ideya sa background nito).

Nauna nang ginampanan nina Isay Alvarez (original London cast) at Rachelle Ann Go (West End at Broadway revival) ang role na Gigi Van Tranh na nagpanalo ng ilang theater awards kay Rachelle na kasalukuyan nang namamayagpa sa West End’s Victoria Palace Theatre bilang Eliza Hamilton sa London revival ng Hamilton The Musical ni Lin-Manuel Miranda.

Hinog na hinog na si Aicelle para sa international stage lalo na’t kinikilala na rin ang kahusayan niya sa iba’t ibang local musical plays.

Taong 2013 nang umapir si Aicelle sa Katy! The Musical at sinundan ito nu’ng 2014 nang magbida siya sa hit musical na Rak of Aegis ng PETA; nasundan ito ng Sabel: Love and Passion (2015); Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag (2017); Himala: Isang Musikal” (2018).

Aalis ang grupo ni Aicelle sa March 22 para sa trainings, rehearsals, sitzprobe (cast sings with the orchestra) at previews bago ang full performance sa April 30.