Ni Leandro Alborote
PANIQUI, Tarlac - Nalambat ng pulisya ang isang umano’y matinik na drug pusher sa drug bust sa Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.
Kaagad na ikinulong ang suspek, na kinilala ni PO3 Julito Reyno na si Jerson Apoli, alyas “Angko”, 25, ng nasabing lugar.
Nakumpiska umano kay Apoli ang apat na transparent plastic sachet ng hindi pa matiyak na dami ng droga, at marked money.
Paliwanag ng pulisya, matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek na talamak umanong nagbebenta ng droga sa kanilang lugar.