Ni Nitz Miralles

VAMPIRE ang itinawag kay Dennis Trillo ng mga reporter na bumisita sa taping ng The One That Got Away dahil napakaguwapo niya, ang kinis ng mukha at namumula pa. Tingin ng mga reporter, hindi nagkakaedad ang aktor at kung nagkakaedad man, he is aging gracefully.

DENNIS_please crop copy copy

Nahiya si Dennis sa narinig na papuri ng reporters at ang sabi lang, nakapagpahinga siya, maaliwalas ang mukha. One week siyang hindi nag-taping dahil sa istorya ng TOTGA ay pumunta siya sa farm nila sa Davao, kaya pasulput-sulpot lang ang eksena.

‘Loveetttee!' Vice Ganda, pinuri panunupalpal ni Anne Curtis sa basher

“Balik-taping na uli ako, mapupuyat na naman ako, kaya hindi na ako fresh ‘pag nakita n’yo uli ako. Hindi problema sa akin ang mapuyat sa taping dahil part ng trabaho ko ‘yun. Nakahanda naman ang katawan ko sa pagod at puyat sa taping ‘pag may ginagawa akong teleserye,” kuwento ni Dennis.

Magaling na aktor si Dennis at kahit anong role ay kaya niyang gampanan, pero nahihirapan siya sa TOTGA (ng slight lang naman) at may rason siya.

“Sobrang opposite sa akin ang role kong si Liam sa TOTGA. Si Liam, maporma, kailangan niyang laging magpaguwapo dahil may three ex-girlfriends nga siya at may pang-apat pa. Eh, hindi ako papogi at hindi ako maporma, effort sa akin ang magbihis ng pagporma. Kilala n’yo naman akong t-shirt at denim lang ang suot at masaya na ako roon. Pero masaya ako dahil kaibang challenge ito sa akin,” ani Dennis.

Matagal pa ang itatakbo ng TOTGA, pero ngayon pa lang ay naghuhulaan na ang mga sumusubaybay sa series kung sino kina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins) at Zoe (Rhian Ramos) ang makakatuluyan ni Liam. Kung si Dennis si Liam, mahihirapan din siyang pumili sa tatlo dahil magaganda, seksi at may kani-kanyang qualities na gugustuhin ng kahit sinong lalaki.

Samantala, masaya si Dennis na nasamahan niya sa camping ang anak na si Calix dahil wala siyang taping. Anong klaseng ama siya?

“Hindi ako strict na ama, ‘pag may kasalanan si Calix, hindi ko siya pinapalo. Kinakausap ko at sinasabi ang kasalanan niya. Ayaw ko kasing matakot si Calix sa akin. Daddy ang tawag ni Calix sa akin at every weekend, nasa akin siya. Natutuwa ako kahit 3 AM ako umuwi, hinihintay niya ako at siya ang nagbubukas ng gate. ‘Pag nasa bahay siya, nagdya-jamming kami sa drums, ‘yun ang bonding namin,” kuwento pa ni Dennis.