MELBOURNE, Australia (AP) — Iniurong ng Australian prosecutor nitong Biyernes ang kaso laban kay Cardinal George Pell, ang pinakamatandang Catholic cleric na naharap sa sex prosecution.

Nakatakdang dumalo ang 76-anyos na Australian cardinal sa Lunes sa isang korte sa Melbourne, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Australia kung saan minsan nang naging archbishop si Pell, para sa pagsisimula ng preliminary hearing upang malaman kung may sapat na ebidensiya ang mga prosecutor.

Sinabi ni Prosecutor Mark Gibson sa Melbourne Magistrates Court na iniurong na ang isang kaso.

Matatandaang kinasuhan din noong nakaraang taon ang dating finance minister ni Pope Francis sa magkakaibang reklamo sa Victoria.

Internasyonal

‘Laging handa at alerto!’ DOH, nakikipag-ugnayan na sa WHO bunsod ng Ebola outbreak